Share:

By: Aj Lanzaderas Avila

Ipinagmamalaking inilabas ng pilantropo at lingkod-bayan na si Brian Poe Llamanzares ang kanyang unang libro na pinamagatang, “A Sustainable Future,” na naglalayong magamit bilang basehan sa pagtuturo ng “sustainability” sa Pilipinas.

(From left) Neil Llamanzares, Manila Bulletin President Emilio Yap III, Brian Poe Llamanzares, Sen. Grace Poe, and Nika Llamanzares.
(From left) Neil Llamanzares, Manila Bulletin President Emilio Yap III, Brian Poe Llamanzares, Sen. Grace Poe, and Nika Llamanzares.

Ang book launch ng nasabing libro ay matagumpay na ginanap sa Manila Hotel noong araw ng Martes, Nobyembre 29, na pinangunahan ni Miss Grand International 2016 1st Runner Up, Nicole Cordoves.

Pinasalamatan ni Brian ang mga taong tumulong sa kanyang maisulat ang librong ito, unang-una sa kanyang mga magulang, sina Senadora Grace Poe at Mr. Neil Llamanzares, na parehong dumalo sa nasabing kaganapan upang suportahan ang naisulat niyang libro at ang paglilimbag nito.

Ipinaabot naman nina Senate Pro Tempore Loren Legarda at Senator Win Gatchalian, kasama si Dean Tony La Viña ng Ateneo School of Government, ang kani-kanilang pagbati kay Brian sa pamamagitan ng kanilang mensahe sa programa. Si Senator Migz Zubiri, na hindi nakadalo sa kaganapan, ay nagpadala ng isang video ng pagbati para sa anak ng kanyang kapwa senador.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Legarda ang kanyang kagalakan sa pagkilos ng mga kabataan tungo sa pagtatatag ng isang, “sustainable future.”

“Young man, we are here to help you, we are here to learn from you, we are here to work with you together, regardless of generation,” ani Legarda.

Kinabiliban naman ni Sen. Gatchalian ang kakayahan ni Brian na makasulat ng ganitong libro sa kanyang edad. Maliban naman sa pagpuri sa libro na isinulat ni Brian, kanya ring ipinaliwanag ang relasyon ng “sustainability” sa iba’t-ibang sector ng lipunan.

(From left) Brian Poe Llamanzares with Sen. Win Gatchalian.
(From left) Brian Poe Llamanzares with Sen. Win Gatchalian.

“This book is not something that is superficial, I’ve seen a lot of details, a lot of recommendations, and this book is preferably for a younger generation or even for us,” sinabi ni Gatchalian.

(From left) Brian Poe Llamanzares, Sen. Win Gatchalian, and Former Senator and Manila Hotel President Joey Lina.
(From left) Brian Poe Llamanzares, Sen. Win Gatchalian, and Former Senator and Manila Hotel President Joey Lina.

Inihayag naman ni La Viña sa kanyang maikling mensahe na hiniling ni Brian na kanyang suriin ang libro at malugod na hinikayat ang lahat na basahin ito dahil nagpapakita ito ng mga pamamaraan o solusyon patungkol sa mga pangunahing “sustainable development challenges” na kinakaharap ng bansa.

(From left) Dean Tony La Viña and Brian Poe Llamanzares.
(From left) Dean Tony La Viña and Brian Poe Llamanzares.

Sa isang media interview, ipinaliwanag ni Brian ang dahilan kung bakit niya isinulat ang librong ito. Ayon sa kanya, matapos niyang makuha ang kanyang master’s degree sa climate and society sa ibang bansa, siya ay naghahangad na madagdagan ang kalipunan ng kaalaman na naroroon na sa bansa.

Sa kanyang libro, hinihikayat ni Brian ang mga mambabasa, partikular ang mga kabataan, na basahin ang kanyang libro upang magkaroon ng mas malalim na pang-unawa sa “sustainability” at sa kung paano maisasakatuparan ito.

Nakatuon ang kanyang aklat sa mga paksa tulad ng renewable energy, water management, at catastrophe resilience, bukod sa iba pa.

“The book is designed to give students a basic background on the issues of climate vulnerability as a whole and realistically present some solutions which they can help push for when their time to lead comes,” pagbibigay-diin ni Brian.

Bilang isang lingkod-bayan, kinikilala ni Brian na ang “A Sustainable Future” ay isang ideya na makakatulong sa buong komunidad, lalong-lalo na sa mga mahihirap.

“More renewable energy would lower electricity costs. Better water management would lower water costs. Improved agriculture would make the cost of goods cheaper. Disaster preparedness would reduce the devastation felt by our people. Sustainability affects every aspect of our lives,” ayon kay Brian.

Sinabi din ni Brian na kailangang magkaisa ng mga Pilipino upang makamit ang isang “sustainable future.”

(From left) Brian Poe Llamanzares with Singaporean Ambassador Gerard Ho.
(From left) Brian Poe Llamanzares with Singaporean Ambassador Gerard Ho.

Dumating naman ang mga VIPs mula sa business sector at mga politiko upang magpakita ng suporta tulad nina Manila Bulletin President Emilio Yap III, dating Senador at ngayo’y Presidente ng Manila Hotel, Joey Lina, Ambassador Gerard Ho ng Embassy of Singapore. DICT Sec. Ivan Uy, DICT. Usec. Anna Mae Lamentillo, DOJ Spokesperson Asec. Mico Clavano, at Aboitiz Equity Ventures Vice President Samel Aboitiz. Dumalo rin sina, Presidential Legislative Liason Office Asec. Samantha Alfonso at Asec. Roberto Martin R. Del Rosario.

(From left) Aboitiz Equity Ventures VP Samel Aboitiz, DOJ Spokesperson Asec. Mico Clavano, Model _ Host Sam Aberin-Sadhwani, Sarina Samson, DICT Usec. Anna Mae Lamentillo, and Brian Poe Llamanzares.
(From left) Aboitiz Equity Ventures VP Samel Aboitiz, DOJ Spokesperson Asec. Mico Clavano, Model Host Sam Aberin-Sadhwani, Sarina Samson, DICT Usec. Anna Mae Lamentillo, and Brian Poe Llamanzares.
(From left) DICT Secretary Ivan Uy, Cocolife Asset Management Company, Inc. President Atty. Jan Robert Beltejar, and Fasclad Incorporated President _ CEO Miguel Tan.
(From left) DICT Secretary Ivan Uy, Cocolife Asset Management Company, Inc. President Atty. Jan Robert Beltejar, and Fasclad Incorporated President CEO Miguel Tan.
(From left) Brian Poe Llamanzares, HEA of the DICT Secretary Nicole Uy, and DICT Secretary Ivan Uy.
(From left) Brian Poe Llamanzares, HEA of the DICT Secretary Nicole Uy, and DICT Secretary Ivan Uy

Ang librong “A Sustainable Future” ay maaari nang mabili sa lahat ng mga National Bookstore branches sa NCR, at sa lalong madaling panahon, sa Fully Booked at Amazon.

Leave a Reply