By Frances Pio
––
Pinasinayaan ng lokal na pamahalaan ang bagong Cagayan de Oro City Hospital na matatagpuan sa Barangay Lumbia noong Lunes ng hapon, Hunyo 27.
Ang 25-bed capacity ng Cagayan de Oro City Hospital-Lumbia (Infirmary Facility) ay isa sa mga pangunahing milestone projects ng outgoing City Mayor Oscar Moreno upang maghatid ng maayos na healthcare services sa mga mamamayan.
Sa kanyang pambungad na mensahe, sinabi ni Dr. Liova de Guia, ang hepe ng City Hospital-Lumbia, na ang ospital ay hindi lamang tutugon sa mga residente ng lungsod sa hinterland areas, kundi pati na rin sa ilang munisipalidad sa Lalawigan ng Bukidnon.
Makakatulong din ito sa pag-decongest ng JR Borja General Hospital (JRBGH) na pinamamahalaan din ng Local Government Unit (LGU) ng Cagayan de Oro.
Bukod sa pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan, sinabi ni de Guia na ang bagong ospital ay magbibigay din ng mga oportunidad sa trabaho para sa mga medical professionals at non-medical workers, at maaari din itong suportahan ang paglago ng ekonomiya ng lungsod sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagkakataon sa maliliit na negosyo na handang magtatag ng kanilang mga negosyo sa labas ng ospital.
“As we have observed, before, there were no establishments there in front [outside the hospital]. But now, look at it, there are already many [establishments] appearing,” sinabi ni de Guia.
Tiniyak naman ni Dr. Ellenietta Gamolo, ang assistant director ng Department of Health Northern Mindanao (DOH-10), na hindi masasayang ang proyekto ng outgoing mayor sa mahigpit na pagtutulungan ng pamahalaang lungsod at DOH -10.
Sa kanyang mensahe, inilabas ni Moreno ang isang komentaryo na natanggap niya mula sa isang high medical official tungkol sa pagkaapurahan ng pamahalaang lungsod sa pag-turnover ng bagong ospital ng lungsod sa Lumbia.
Tumugon si Moreno at binigyang-diin ang kahalagahan ng nasabing turnover ceremony upang maihanda ang bagong pasilidad bago maupo si incoming City Mayor Rolando Uy.
“The remaining days that we have, as many as we can do, we will do. So that if Mayor Klarex [Rolando Uy] would take over the office, everything is all set. Because it is not easy to manage a big city. I know that,” ika ni Moreno.