By Christian Dee

MAYNILA – Nagpaabot ng mensahe ang aktor na si Carlos Aquino sa tinaguriang Star for All Seasons na si Vilma Santos para sa ika-60 taon ng beteranang aktres sa industriya ng showbiz.

“Happy 60th anniv sa nagiisang Vilma Santos Recto,” saad ng aktor sa kanyang pagbati.

Photo source: Carlo Aquino/Instagram

Sa pamamagitan ng isang Instagram post, binalikan ni Aquino ang unang araw sa isang set ng kanilang pelikula noon.

“First day of shoot ko sa Bata bata. Dumating ka sa set na naka artista van,” ani Aquino.

“Pinakilala ka samin ni direk Chito tapos lumapit ka sakin. Sabi mo “ill be your mom for this film, would you like that?” dagdag pa niya.

Natawa naman ang aktor nang maalala niya ang kanyang pagtango na aniya ay halos matanggal na ang kanyang ulo.

“Salamat sa pagtanggap sa akin bilang si Ojie. Kahit matagal na nagawa ang pelikula natin ganun pa din ang pagmamahal mo sakin. Salamat sa mahigpit na yakap pagkatapos ng bawat eksena,” pasasalamat ni Aquino.

“At higit sa lahat salamat sa “Akala mo lang wala”. Sana makatrabaho kita ulit. Love you mommy Vi,” mensahe pa ng aktor.

Matatandaang nagkasama sina Santos-Recto at Aquino sa pelikulang “Bata, Bata… Pa’no Ka Ginawa?” kung saan tumatak ang linya ng aktor na “Akala mo lang wala, pero meron”.

Leave a Reply