By Christian Dee
MAYNILA – Lunes ng umaga, Pebrero 20, nang lumubog ang isang bangkang sakay-sakay ang apat na tao at ang tangke ng produktong petrolyo sa Quezon province.
Nasagip naman ng mga rumesponde ang mga tao nang lumubog ang naturang cargo boat sa bahagi ng Lamon Bay sa bayan Quezon, Alabat Island, ayon sa TeleRadyo.
Ayon sa ulat ng pulisya ng probinsya, dakong alas-9:30 ng umaga nang mangyari ang aksidente dahilan ang malakas na alon na humampas umano sa bangka habang nasa laot.
Nasira ang hull nito ang unti-unting lumubog ang bangka.
Mabils naman umanong nakaresponde ang mga tauhan ng Quezon Police Provincial Office at municipal disaster office para masagip ang naturang mga sakay ng cargo boat.
Isang kapitan ng bangka at tatlong crew member nito ang na-rescue sa insidente ng paglubog sa laot, habang ang cargo boat naman ay nahatak at dinala sa baybayin sa bahagi ng bayan ng Lopez.
