By Christian Dee

MAYNILA – Carlos Edriel Yulo, ang pambato ng Pilipinas sa larangang gymnastics, natapos sa ika-7 puwesto sa Men’s Floor Exercise final at the World Gymnastics Championships na ginanap sa Liverpool, England nitong Sabado, Nobyembre 5.

13.300 ang nakuhang score ni Yulo sa nasabing kompetitsyon. Nanguna naman si Giarnni Regini-Moran mula sa Great Britain na nakamit ang gintong medalya matapos makakuha ng score na 14.533. Sinundan ito ng silver medalist na Hashimoto Daiki ng Japan na nakakuha ng 14.500.

Isa pang medalya ang nauwi ng Japan nang makuha ni Ryosuke Doi ang bronze medal sa score na 14.266.

Ani Yulo, ayos naman ang kaniyang pagtatanghal kahapon. Sinabi rin ng Pinoy na pakiramdam niya ay nawala siya sa sarili niya.

“I am really disappointed, obviously. Yesterday was okay, I hit it. But today I had a feeling that I lost myself,” aniya.

Medyo nalulungkot naman si Yulo matapos ang kinahantungan ng kaniyang performance. Pero aniya, pag-aaralan niya ang kaniyang ginawa at muling bubuuin ang kaniyang motibasyon.

Nakamit din niya ang ika-8 puwesto sa kategoryang Men’s All-Around sa nasabing kompetisyon.

Leave a Reply