By Christian Dee

MAYNILA – Umabot sa P2.74 milyon ang pinsalang sinapit ng dalawang magkasunod na sunog sa Cebu City.

P1.9 milyon ang halaga ng napinsala sa Sitio Langub, Barangay Kalunasan. Samantala, sa Barangay Talamban naman ay nasa P840,000 ang halaga ng napinsala, kasunod na sunog sa nasabing lungsod.

Nangyari ang unang insidente nitong Sabado ng alas-10 ng gabi ngunit makalipas ang halos isang oras, idineklara ring under control ang sunog.

Nagtamo naman ng first-degree burn sa kaliwang braso ang isang residente. Sinasabing nagsimula ang naunang sunog sa kaniyang bahay sa Sitio Langub.

Nananatili namang nasa gym ng barangay ang 50 pamilya nang lumikas ang mga ito mula sa insidente. Aabot din sa 50 ang bilang ng mga tahanan na natupok sa naunang sunog.

Samantala, nagsimula naman ang sunog sa Brgy. Talamban pasado alas-2 ng madaling araw nitong Linggo, Nobyembre 6, na may natupok sa sunog na anim na bahay.

20 minuto naman ang itinagal bago ideklarang fireout.

Leave a Reply