Inanunsyo ng Cebu City government nitong Lunes, Nobyembre 8, na maglalabas sila ng Christmas bonus sa lahat ng empleyado sa isang kondisyon. Lahat sila ay dapat mabakunahan laban sa COVID-19.
Sinabi ito ni acting City Mayor Michael Rama sa isang maikling talumpati pagkatapos ng flag ceremony ng City Hall nitong Lunes, at inulit ito sa kanyang regular na press conference.
Sinabi ni Rama na ang naturang hakbang ay makatutulong na mapalakas ang COVID-19 vaccination coverage rate ng lungsod na nanatiling mababa sa 70 porsiyento nitong Nobyembre 8.
“Bonus will be granted for all, since it’s ought to be for all. But as I’ve said this morning — no release of bonus unless all have been fully vaccinated. Dapat tanan (City Hall workers) mabakunahan (All should be vaccinated) because we should be setting a good example, being government employees,” ayon kay Mayor Rama. (By: Frances Pio)
