By Christian Dee
MAYNILA – Matapos ang matagumpay na pagtatanghal ng mga musikero sa Clark Aurora Music Fest noong nakaraang taon, muli itong magbabalik sa darating na Abril.
Inanunsyo ng opisyal na Facebook page ng naturang music festival ang pagbabalik nito sa Clark sa Pampanga na pangungunahan ng bandang Ben&Ben at ni Ely Buendia.
Sa nasabing anunsyo, sinabi rin nito na magkakaroon ng dalawang araw na music festival, Abril 15 at 16, 2023.
Makakasama ng Ben&Ben sa unang araw, Abril 15, ang mga sumusunod na musikero:
- December Avenue
- Arthur Nery
- Adie
- MRLD
- Lola Amour
Sa ikalawang araw naman, makakasama ni Ely Buendia ang mga sumusunod:
- Parokya ni Edgar
- Kamikazee
- Sponge Cola
- Silent Sanctuary
- Mayonnaise

Photo source: Aurora Music Festival’s Official Facebook Page
Simula Enero 26, maari nang bumili ng mga tickets.
Para sa mga nais bumili ng tickets, magtungo lamang sa link na ito: https://ticket.clarkaurorafest.com/ , www.smtickets.com at sa lahat ng mga SM Tickets outlets sa buong bansa.
Noong Hunyo 2022, umabot sa nasa mahigit 150,000 katao ang nagpunta para masaksihan ang itinuturing na pinakamalaking music festival sa Pilipinas.
