By Christian Dee
MAYNILA – Muling tumugon ang aktor na si Alden Richards ukol sa usap-usapan tungkol sa kanila ng kanyang dating katambal na si Maine Mendoza.
Sa isang TV show, “Fast Talk with Boy Abunda,” naimbitahan ang aktor at binigyang linaw niya na wala silang anak at hindi sila kasal ng aktres.
“Wala kayong anak at hindi kayo kasal,” ani Abunda.
“Wala po,” tugon ni Richards.
Nang tanungin ni Abunda ang aktor kung ano ang nais nitong sabihin sa mga taong naniniwala pa rin sa naturang usap-usapan, agad namang nagsalita si Richards.
“I think everything po is already self-explanatory. Uulitin ko po, during the AlDub era, nagpapasalamat kami sa lahat ng suportang binigay niyo po sa ‘min, and sa lahat po ng pagmamahal. Masaya po kami na napasaya namin kayo,” aniya.
“But right now po kasi kami ni Maine, we’re at a point na we’re not getting any younger. And we’ve already made our, of course, personal choices,” dagdag pa niya.
Nilinaw din ng aktor na sila ni Maine ay “good friends” at nag-uusap pa rin sila hanggang ngayon.
Matatandaang tumugon na rin si Maine Mendoza sa isa namang panayam kasama si Ogie Diaz ukol din dito.
Naging magkatambal ang dalawa at nakilala bilang “AlDub” sa “Eat Bulaga” noong 2015.