By Frances Pio

–

Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) First Division ang huling nakabinbing disqualification case laban sa presidential bid ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ang plea, na inihain ng grupong Pudno nga Ilokano, ay binasura dahil sa “lack of merit,” ayon sa dokumento ng poll body na inilabas sa media nitong Miyerkules.

Sa kanilang 29-pahinang desisyon, napagpasyahan nina Commissioners Socorro Inting, Aimee Ferolino, at Aimee Neri na ang anak ng yumaong diktador ay nagtataglay ng lahat ng kwalipikasyon na kailangan para tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa.

Kasabay nito, kinontra nila ang mga argumento na inihain ng mga petitioner.

Binanggit sa petisyon ng grupo, na inihain noong Disyembre 2021, ang naunang paghatol kay Marcos dahil sa hindi pag-file ng income tax returns.

Ngunit ang division ay “hindi kumbinsido” na ang mga kaso ay isang moral turpitude, na isang batayan para sa diskwalipikasyon.

“This is supported by the fact that the filing of income tax return is only an obligation created by law and the omission to do so is only considered as wrong because the law penalizes it,” inilahad sa dokumentong inilabas ng Comelec.

Sinabi rin ng division na hindi maaaring akusahan si Marcos ng tax evasion at ang gobyerno ay “hindi nadaya.”

Leave a Reply