By Frances Pio

Isang tao ang nasugatan nang tamaan ng shrapnel mula sa hindi pa natukoy na uri ng improvised explosive ang huling sasakyan sa convoy ng local political group na pinamumunuan ng incumbent Maguindanao governor sa Barangay Upper Nangi, Upi, Maguindanao dakong alas-5 ng hapon ng Martes.

Sinabi ni Col. Jibin Bongcayao, provincial director ng Maguindanao police, na pauwi na si Gov. Bai Mariam Sangki-Mangudadatu, na pinuno ng convoy at party pagkatapos ng campaign sortie sa kalapit na Bayan ng South Upi ng mangyari and insidente.

Ang pagsabog ay tumama sa buntot ng convoy at nasugatan si Abdulraof Usman, 32, residente ng Munisipalidad ng Datu Hoffer.

Siya ay isang aide ng provincial board member candidate na si Datu Nathaniel Midtimbang. Nasa likod ng nasabing convoy ang sasakyan ni Midtimbang ng mangyari ang pagsabog.

Hindi umano nasaktan si Gov. Mangudadatu dahil nasa 200 metro ang layo nito sa harapan ng convoy. Hindi pa siya naglalabas ng pahayag tungkol sa malagim na insidente.

Leave a Reply