By: Frances Pio

Natapos ng Commission on Elections (Comelec) nitong Sabado ang pag-imprenta ng huling batch ng 67.4 milyong balota para sa pambansa at lokal na halalan sa Mayo 9 bago ang target na petsa.

Ayon sa Comelec, ang huling batch ay natapos ilimbag bandang alas-10:28 ng umaga. Ang pag-imprenta ng Balota ay nagsimula noong Enero 23 at target na matapos noong Abril 25.

Mayroong namang 319,138 pangkalahatang “naka-quarantine” na mga balota at 178,990 na mga depektong balota noong Sabado, sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia sa isang mensahe ng Viber sa mga mamamahayag.

Ang mga balota ay nakasailalim sa quarantine o isinasantabi kapag ang isang balota mula sa parehong batch o grupo ay natagpuang may mga problema o depekto. Ang mga may sira na balota ay pupunitin.

Leave a Reply