By: Frances Pio
Ipinangako ni UniTeam Senatorial bet Jinggoy Estrada na isusulong niya ang paglikha ng unemployment insurance program upang matulungan ang libu-libong Pilipinong natanggal sa trabaho dahil sa pandemya, krisis sa ekonomiya, o natural na kalamidad.
Sinabi ni Estrada na maraming negosyo ang nagsara sa panahon ng pandemya, karamihan sa mga ito ay hindi na muling magbubukas. “Laid off workers need all the help they can get and insurance can offer relief for the sudden loss of income,” ika niya.
Iginiit pa ni Estrada na maraming bansa sa buong mundo ang nagbibigay ng unemployment insurance sa kanilang mga mamamayan sa loob ng hindi bababa sa anim (6) na buwan hanggang sa makahanap sila ng trabaho.
