By Frances Pio

––

Mabilis na pinabagsak ng Creamline Cool Smashers ang KingWhale Taipei sa 2022 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference knockout final match na may 25-21, 25-19, 25-8, sa Mall of Asia Arena nitong Linggo, Agosto 14 .

Nanguna ang bagong tanghal na two-time MVP na si Tots Carlos sa pag-iskor sa huling pagkakataon na may 14 puntos, habang si Jema Galanza at ang Finals MVP na si Ced Domingo ay umiskor ng 13 at 11, ayon sa pagkakasunod. Domingo ay mayroon ding game-high na 4 na blocks.

Ang Best Open Spiker na si Alyssa Valdez, na kagagaling lang sa left ankle injury, ay gumawa pa rin ng 9 na puntos, 13 excellent digs, at 8 excellent receptions habang si Jia de Guzman ay nagtala ng 19 excellent sets.

Mula sa 10-16 deficit sa ikalawang set, nabuhay ang Creamline sa pamamagitan ng malaking 15-3 finishing kick, na nagtapos sa pamamagitan ng down the line kill ni Michele Gumabao at isang set-ending error mula kay Beatriz Flavio de Carvalho.

Tuluyang nalaglag ang KingWhale sa ikatlong set nang ang Creamline ay kumuha ng 10-4 na panimula, at pinalobo ang agwat na 16, 22-6, bago pinalo ni Valdez ang isang last kill act upang masungkit ang kampeonato.

Si Carvalho ng KingWhale ay may 12 puntos mula sa 10 attacks at 2 blocks, habang ang bagong tanghal na Best Setter na si Liao Yi-Jen ay nagtala ng 16 excellent sets sa ikatlong laro ng KingWhale.

Leave a Reply