By: Margaret Padilla

Idineklara ng Commission on Population and Development (POPCOM) na tumaas ang populasyon ng matatanda sa bansa sa nakalipas na dalawang dekada, habang bumaba naman ang porsyento ng mga bata sa populasyon.

Nararanasan ng Pilipinas ang pandaigdigang phenomenon ng aging population, ayon sa Daily Inquirer noong Agosto 15.

“The number of seniors is on the rise due to better health and socioeconomic conditions. Seniors are better educated and have healthier lifestyles,” ang pahayag ng sangay ng gobyerno na humahawak sa mga programang kaugnay sa populasyon noong Linggo.

Sa pagtukoy sa kamakailang datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), sinabi ng POPCOM na ang porsyento ng mga matatandang Pilipino sa populasyon ay tumaas sa nakalipas na dalawang dekada, na tumaas sa 8.5 porsyento noong 2020 mula sa 5.9 porsyento noong 2000.

Ang bilang ng mga tinaguriang senior citizen, o mga Pilipinong nasa edad 60 pataas, ay hihigit sa doble sa 9.2 milyon sa 2020, mula sa 4.5 milyon 20 taon na ang nakararaan, batay sa ulat.

Samantala, sinabi rin ni POPCOM Executive Director Juan Antonio Perez III na mas mababa ang porsyento ng mga bata sa populasyon ng Filipino kaysa sa mga nakababata.

Ang populasyon ng mga bata sa bansa ay bumaba “significantly” sa huling dalawang dekada sa gitna ng “lower levels of fertility,” ang inihayag ng ahensya.

Ayon kay Perez, nag-ambag sa huling pagbaba sa mga antas ng “fertility” “bilang ebidensya ng mas mababang bilang ng mga batang ipinanganak mula noong 2015,” ay ang pagiging epektibo ng programa sa pagpaplano ng pamilya.

Una nang tiningnan ng direktor ang bagay na ito bilang isang kapakinabangan para sa bansa.

“We need to have stable population growth that is manageable through support from national programs. That would mean ideally a population growth rate of 1 percent so we can maintain a good number of effective workers who can support older, retired or partly retired seniors,” aniya.

Sinabi pa niya na ang kasalukuyang sitwasyon ay nangyayari na rin sa ibang mga bansa sa buong Europa, Amerika, at Latin America, gayundin sa karamihan ng mga bansa sa Kanluran at Timog Silangang Asya.

“This is a demographic transition that countries must address through appropriate population and development policies that affect the poor, youth, and women,” sabi ni Perez.

Sa kabilang banda, habang ang “increased longevity and improved health in old age” ay itinuturing na accomplishments, kinilala ng US Department of Health and Human Services na ang mga kaganapang ito ay may dulot na malaking hamon.

“Societal aging can affect economic growth, work and retirement patterns, family functioning, governments’ and communities’ ability to provide adequate resources for older adults, and the prevalence of chronic disease and disability,” ang nakasaad sa nasabing ulat.

Leave a Reply