Dumating ang panibagong dagdag na supply ng bakuna sa bansa nitong Linggo. 3 milyong bakuna ng Sinovac ang dumating sa bansa na binili ng gobyerno bilang parte ng programa na mass vaccination sa bansa.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez, inaasahang makakatanggap ang bansa ng 34 milyong bakuna sa loob ng buwan ng Setyembre. Ito ay magmumula sa iba’t ibang manufacturers.
Base sa datos nitong Setymbre 17. Nasa 58 milyong bakuna na ang natanggap ng bansa. Umaabot na sa 17.9 milyong Pilipino na ang fully vaccinated. 22.5 milyon naman ang nakatakdang makatanggap ng kanilang pangalawang dose ng bakuna.