Ang Ministry of Health in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MOF-BARMM) ay nagbigay ng 200 na oxygen tanks sa Cotabato Regional Medical Center (CRMC) bilang parte ng kanilang pagtulong sa mga refferal hospital labanan ang COVID-19.
Sina Dr. Bashary Latiph, minister of MOH-Barmm, at Dr. Amirel Usman, MOH-Barmm director-general, ay ang nanguna sa pag-aabot ng donasyon sa isang simpleng turnover ceremony nitong Setyembre 16, 2021.
“The Barmm government is ready to help to the needs of our regional and Covid-19 referral hospitals,” pahayag ni Dr. Latiph. Nais nila na mas lumakas pa ang kolaborasyon at kooperasyon ng mga regional government upang malabanan ang COVID-19.