By Christian Dee
MAYNILA – Humingi ng tawad kahapon, Abril 10, ang Tibetan spiritual leader na si Dalai Lama matapos kumalat sa social media ang video kung saan mapapanood na hiniling niya sa isang batang lalaki na sipsipin ang kanyang dila.
Nakita sa video na hinahalikan ng 87-anyos na Buddhist monk sa labi ang batang lalaki bilang pagbibigay umano ng respeto.
Matapos ang ilang segundo, makikita rin sa video na inilabas ni Dalai Lama ang kanyang dila at unti-unting inilalapit sa labi ng bata at sinabing, “Can you suck my tongue?”
Nag-viral at umani ng negatibong reaksyon mula sa mga netizens ang kumalat na mahigit 20 segundong video.
Gayunpaman, naglabas ng pahayag ang kanyang verified Twitter account upang humingi ng paumanhin sa bata at sa pamilya nito.
“A video clip has been circulating that shows a recent meeting when a young boy ask His Holiness the Dalai Lama if he could give him a hug. His Holiness wishes to apologize to the boy ang his family, as well as his many friends across the world, for the hurt his words may have caused,” pahayag nito.
“His Holiness often teases people he meets in an innocent and playful way, even in public and before cameras. He regrets the incident,” dagdag pa nito.
