By Christian Dee

MAYNILA – Nitong Miyerkoles, sinabi ng Bureau of Internal Revenue na hindi na nito palalawigin ang itinakdang deadline para sa paghahain ng taunang income tax return (ITR).

April 17, 2023, Lunes, ang itinakdang petsa bilang deadline ng filing at pagbabayad ng 2022 annual income tax return (AITR).

Ani Commissioner Romeo Lumagui, ang napapanahong pagbabayad ng buwis ay magdudulot ng agarang pagpopondo sa mga programang prayoridad ng pamahalaan.

“We are all partners in nation-building. Timely payment of taxes results into immediate funding of priority government programs,” aniya.

“There will be no extension. The deadline for filing and payment of our 2022 AITRs is on the 17th day of April 2023, Monday,” dagdag pa ni Lumagui.

Giit ng Kawanihan, wala nang dahilan para hindi makapag-comply dito dahil mas napadali na ang mga proseso nito.

Maari nang mag-file at magbayad ang mga taxpayers kahit saan, proseso at hakbang na inilatag ng naturang ahensya kamakailan.

Ang mga magbabayad naman makalipas ang April 17 ay may kaakibat na dagdag na singil, interes, at multa ayon sa BIR.

Leave a Reply