By Margaret Padilla

Kung balak ng ABS-CBN na gawin ang proyekto, nais piliin ng anak ni Mars Ravelo na si Roberta Ravelo si Daniel Padilla para gumanap bilang ang fictional character na Captain Barbell sa isang pelikula o serye.

Sa press conference ng “Darna,” ibinunyag ni Ravelo na isinasaalang-alang ng ABS-CBN ang remake ng Captain Barbell at Dyesebel.

Nagpahayag siya ng pagnanais na gumanap si Padilla bilang Captain Barbell kasama ang kanyang girlfriend na si Kathryn Bernardo.

“Ang gusto ko sanang lumabas si Daniel Padilla and Kathryn. Diba magandang loveteam yun. Malaki maitutulong nila sa Captain Barbell,“ aniya. 

“Captain Barbell or Lastikman, sana ‘yun nga. Pero sabi nila either Dyesebel or Captain Barbell. Kaya lang ang Dyesebel limited lang ‘yung story nun, hanggang lang ng ilalim ng tubig nun,” dagdag pa ni Ravelo. 

Samantala, iba’t ibang naman ang naging tugon ng mga netizens sa iba’t ibang social media platform tungkol sa balita.

“Wow that’s exciting. Bagay sa kanila especially kay DJ,” ang komento ng isang Facebook user. 

“Bagay kay Daniel ang maging Capt. Barbel, best choice,” sabi rin ng isa pa. 

“Ang ganda ng ‘2 Good to be true” Another original  concept  na lang with Kat. Wag muna ipilit ang superhero na yan. Kaya mas interesting pa manood ng korean series and film e,” ang suhestiyon ng isa pang netizen. 

Leave a Reply