Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Inaprubahan na ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang unang Public Private Partnership project sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ang naturang proyekto ay naglalayong maging makabagong imprastraktura ng kalusugan ng bansa na nakatuon sa “oncology services” at pangangalaga kaugnay ang sakit na kanser, ayon sa Malacañang.

Ayon sa Presidential Communications Office, ang naturang cancer center ay itatayo sa gawing University of the Philippines (UP) – Philippine General Hospital (PGH).

Ang lawak naman ng naturang ospital ay mayroong 3,000 square meters, na ayon sa PCO ay may kapasidad na tatlong daang kama.

“The entire building will have a capacity of 300 beds (150 charity beds for the UP-PGH Area and 150 private beds for the Private Area), 15 to 20 floors, 350 parking spaces, 1,000 square meter of commercial space, and an area for three linear accelerators (LINAC) bunkers,” saad ng PCO sa kanilang ulat.

Leave a Reply