By Frances Pio

Inaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) noong Abril 15 sa Zamboanga City ang isang dating pulis na sangkot sa pagpatay noong 2020 sa apat na Intelligence Officer ng militar sa Jolo, Sulu.

Sinabi ni Col. John Francis Encinareal na si Abdulzhimer Padjiri y Halisan, 42, residente ng Jolo, Sulu, ay inaresto sa apat na bilang ng pagpatay batay sa warrant na inilabas ng Regional Trial Court sa Sulu. Walang piyansang inirekomenda para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Kinilala si Padjiri bilang isa sa walong dating pulis na umano’y bumaril at pumatay sa apat na opisyal ng Intelligence ng militar sa iniulat na misencounter sa Jolo, Sulu noong Hunyo 29, 2020.

Leave a Reply