By: Jen Lopez

Kukumbinsihin umano ni Senate President Vicente Sotto III  ang kanyang mga katrabaho upang I-overturn ang veto ni Pangulong Duterte sa panukalang batas na nag-uutos sa pagpaparehistro ng mga prepaid SIM card ngunit ang magiging problema ay dapat pa itong pagsang-ayonan ng House of Representatives.

Ipinaabot ni Senate President Vicente Sotto III sa Malacañang ang kanyang planong gamitin ang kapangyarihan ng Kongreso para i-override ang veto ni Pangulong Duterte sa panukalang batas na nag-uutos sa pagpaparehistro ng prepaid subscriber identity module o SIM card.

Sinabi ni Sotto ang panukala ay napakahalaga sa pag-iwas sa posibleng pambobomba, troll at scam na bumibiktima sa mga inosenteng Pilipino.

Ibinunyag ng kandidato sa pagka-bise presidente ang kanyang mga plano sa kanyang pakikipagpulong sa ilang alkalde sa Negros Oriental.

Nabanggit ng senador na itinaas niya ang kanyang mungkahi kay Executive Secretary Salvador Medialdea sa isang pag-uusap sa telepono noong Lunes ng gabi, ika-18 ng Abril.

Sinabi ni Sotto na nakinig si Sen. Bong Go sa usapan dahil naka-speaker ang telepono.

“My suggestion is this: there is a strategy since registration of prepaid SIM is very vital… with your permission, I told ES (Medialdea), I will overturn the veto. I can get the 2/3 of the Senate to overturn it,” ayon kay Sotto na sabi niya kay Medialdea at Go.

Gayunpaman, sinabi ng Semate president na ang problema ay ang overriding veto ng Pangulo ay dapat pagsang-ayonan din ng counterpart ng Senado sa House of Representatives.

Leave a Reply