.
By: Frances Pio
Ang mga tauhan at pangkat ng militar mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na nagtatrabaho sa ilalim ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council sa Davao Region (RDRRMC-11) ay ipinakalat noong Miyerkules upang dagdagan ang mga manggagawa sa Caraga Region na matinding hinagupit ng Bagyong Odette.
Sa isang send-off ceremony na ginanap sa Naval Forces Eastern Mindanao headquarters, ang koponan ay binubuo ng mga tropa mula sa Armed Forces of the Philippines – Eastern Mindanao Command, the Army’s 10th Infantry Division (ID), Coast Guard Southeastern Mindanao, Reserve Officers Legion of the Philippines, Department of Social Welfare and Development (DSWD-11), Mines and Geosciences Bureau sa Rehiyon 11, at ang mga Provincial DRRMO ng Davao de Oro, at Davao del Sur.
Sa isang panayam, sinabi ni Lt. Gen. Greg Almerol, ang Eastmincom commander, na ang mga trak na may kargang pagkain mula sa DSWD at mga non-food Items (family packs, blankets, at tents) ay ipapamahagi din sa mga apektadong komunidad sa Caraga Region.
