By: Frances Pio

––
Naging maugong na usap-usapan ang pagpirma ng Pangulong Duterte sa batas na bumuo ng bagong departamento na para sa mga OFW.

Trending topic ito bago matapos ang taong 2021. Pinirmahan ng pangulo ang batas noong Disyembre 30, 2021, kasabay ng paggunita sa kabayanihan ni Gat Dr. Jose Rizal.

Ayon sa Pangulo, “The establishment of Department of Migrant Workers happens on the celebration of Rizal Day when we honor not only the exceptional love of country of Dr. Jose Rizal, but also the patriotism, excellence, and courage of our modern-day heroes including overseas Filipinos.”

Noong Mayo ginawang certified as urgent ni Pangulong Duterte ang Senate Bill na nais bumuo ng kagawaran na ito matapos maipasa ng Lower House ang version nito ng batas noong nakaraang taon (2020).

Sa ilalim ng batas inaako ng bagong kagawaran ang mga tungkulin ng Philippine Overseas Employment Administration at inatasang protektahan ang karapatan at kapakanan ng mga OFW.

Pinuri ng isa sa mga proponents ng batas na si Sen. Joel Villanueva ang pagpasa nito at naniniwalang magiging “go-to agency” ng mga OFW ang departamento para sa kanilang mga hinaing.

Umani rin ang bagong batas ng ilang pagbatikos mula sa ilang Economic managers ng bansa. Sinabing ito’y makadadagdag lang sa “bloated” bureaucracy ng bansa.

Ilang Kritiko naman ang nagsabing, “the measure will affirm a Marcos-era band-aid solution of labor export.”

Leave a Reply