Share:

By Frances Pio

––

Sinabi ng Malacañang na nakatakdang ilabas ang impormasyon tungkol sa National Vaccination Days para sa mga bata na nasa school-age sa Huwebes kaugnay ng pagtulak na magkaroon ng full face-to-face classes sa Nobyembre.

“The issue of vaccinations has been addressed during the Cabinet meeting. It will be discussed formally later on, in fact we have a release tomorrow about that one,” sinabi ni Communications Secretary Trixie Cruz Angeles.

Isang araw bago nito, sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na plano ng Department of Education (DepEd) na ganap na ibalik ang face-to-face classes sa Nobyembre ngayong taon.

Kinilala ni Angeles na ang pagbabakuna ay isang mahalagang parte sa pagpapatuloy ng mga face-to-face classes.

Idinagdag niya na ang Kagawaran ng Edukasyon at Kalusugan ay inaasahang maglalabas ng kani-kanilang mga kautusan alinsunod sa mga in-person classes.

Noong nakaraang buwan, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire Vergeire — na nanguna sa National Vaccination Operations Center — na magpapatuloy ang national vaccination drive sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. habang binanggit niya ang matagumpay na resulta ng National Vaccination Day.

Leave a Reply