Share:

By Frances Pio

––

Mas gusto ni Senate President Pro Tempore Juan Miguel Zubiri na palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pabalik sa dating pangalan nitong Manila International Airport.

Sa isang ambush interview sa Senado, hiningan si Zubiri ng kanyang komento sa panukala ni Negros Oriental Representative Arnolfo Teves na palitan at ipangalan ang NAIA kay dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

“I don’t know what our colleagues will be discussing. Ako, mas pabor naman gawin na lang natin Manila International Airport. Ibalik na lang natin sa original name,” sagot ni Zuburi.

“If no one will agree on a particular family name — kasi syempre yellow against red na naman ‘yan — neutral na lang tayo,” dagdag pa niya.

Ang dilaw ay nauugnay sa pamilya Aquino, habang ang pula ay nauugnay sa pamilya Marcos.

Samantala, binatikos ni dating Senate Minority Leader Franklin Drilon ang panukala, sinabing may mas mahalaga na isyu na dapat tugunan ng gobyerno.

Leave a Reply