By Frances Pio

––

Pitong iligal na e-sabong website ang tinanggal, iniulat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Miyerkules.

Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na sinisikap ngayon ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation na kilalanin ang mga administrator ng mga website upang maisampa ang mga kasong kriminal laban sa kanila.

Sa unang bahagi ng buwang ito, iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na itigil ang mga online cockfighting operations, na sinasabing ang ₱640 milyon na kinikita nito sa isang buwan ay hindi katumbas ng pinsalang panlipunan na dulot ng aktibidad ng pagsusugal.

Samantala, natukoy na rin ng pulisya ang 12 iba pang ilegal na nagpapatakbo ng e-sabong websites at walong social media platforms. Sa 12 websites, sinabi ni Malaya na dalawa lamang ang nakarehistro sa Pilipinas, habang ang iba ay nasa ibang bansa.

Leave a Reply