By Frances Pio

Mabisa ang pagsusuot ng face mask para maiwasang mahawa ng monkeypox, sinabi ng isang infectious disease expert nitong Miyerkules.

Ang monkeypox ay isang pambihirang sakit na hindi gaanong nakakahawa at maaaring magdulot ng hindi gaanong malubhang sakit kaysa sa bulutong.

“Tuloy naman po talaga iyong ating surveillance at iyong ginagawa natin ngayon na naka-mask tayo lahat, actually mabisa rin iyon to prevent monkeypox and it doesn’t spread as fast. Mas madali siyang i-contact trace and iyon nga, it’s not deadly,” sinabi ni Dr. Edsel Salvaña, miyembro ng Technical Advisory Group ng Department of Health (DOH), sa Laging Handa public briefing.

Bukod sa pagsusuot ng mask, ang maayos na airflow, sanitation, at physical distancing, mga hakbang na magpoprotekta rin sa mga tao laban sa COVID-19, ay makakatulong maiwasan ang pagkalat ng monkeypox.

Pinawi ni Salvaña ang pag-aalala ng publiko, sinabi na, hindi tulad ng COVID-19, ang mga eksperto ay may kaalaman tungkol sa monkeypox dahil hindi ito bagong sakit.

“Actually, there are medications that are proven to work on this, wala lang dito sa bansa pero. What we’re saying basically is hindi po talaga ito parang COVID na wala talaga tayong alam nang nag-start noong March 2020,” ika niya.

Leave a Reply