Share:

By Frances Pio

––

Nasasabik ang mga Iliganon na ipagdiwang ang Diyandi Festival ngayong taon – isang pagdiriwang ng kabutihan at pagpapala ng Diyos – na hindi isinagawa sa loob ng dalawang taon dahil sa pandemyang COVID-19.

Tiniyak ni City Mayor Frederick W. Siao na ang gobyerno ay binigyang prayoridad ang kalusugan ng mga mamamayan dahil ginagawa palang ang mga bakuna noong mga panahon na iyon.

“In this development, after two years, we have enough vaccinated people, and we are opening up the markets,” sinabi ni Siao.

Nais ng lokal na pamahalaan na makabawi ang mga Iliganon sa pamamagitan ng masayang pagdiriwang bilang parangal sa kanilang Patron Saint, Saint Michael the Archangel.

Ang Diyandi ay isang terminong Higaonon na ang ibig sabihin ay pasasalamat, pagsasaya at ito ay tungkol sa pagdiriwang ng kabutihan at pagpapala ng Diyos sa buong taon.

Noong Huwebes, Setyembre 1, isang opening salvo na hudyat ng pagsisimula ng buwanang pagdiriwang ng Diyandi Festival ay ginanap sa Anahaw Amphitheater sa Barangay Pala-o sa Iligan City.

Ang kalendaryo ng mga aktibidad ay inihayag sa event at itinampok ang pagtatanghal ng tatlong hanay ng mga kandidata para sa Miss Iligan 2022, G. Diyandi King at Miss Gay, at tinapos ang araw sa isang fireworks display.

Humanga si Mayor Siao sa lahat ng mga kaganapang nakahanay para sa pagdiriwang ng fiesta ngayong taon at pinuri ang Executive Management Board (EMB) ng fiesta sa pangunguna ng chairperson nitong si Cathy Caday Tan, sa pagtutulungan na gawing masaya ang pagdiriwang ng Iligan sa lahat ng paraan.

Hinikayat niya ang lahat na magsaya ngunit kasabay nito ay pinaalalahanan sila na sundin ang mga protocol sa kalusugan.

Ilan sa mga pangunahing highlight ng Diyandi Festival na hinihintay ng mga lokal at turista ay ang mga sumusunod: Rito sa Pagpakanaug, Kasadya Street Dancing and showdown, Lechon festival at tartanilya painting contest at iba pa.

Leave a Reply