Share:

Ang Department of Health (DOH) nitong Lunes ay dineklarang high-risk ang mga lugar na Cordillera Administrative Region (CAR), Cagayan Valley, at Zamboanga peninsula dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kinokonsidera na high-risk ang mga lugar dahil nasa 70% pataas ang occupancy rate ng higaan ng mga ospital kasama na ang intensive care unit (ICU).

Umaabot sa 86.85% ang utilization rate ng mga higaan at 85.47% naman utilization rate ng ICU beds sa Cordillera Administrative Region (CAR). Nasa 76.69 persyento ang utilization rate ng ward beds at 76.88 percent naman sa ICU sa Cagayan Valley. Samantalang nasa 70.16% ang utilization rate ng ward beds at 88.41 % sa ICU sa Zamboanga peninsula. Ito ay ayon sa datos ng DOH. (By: Frances Pio)

Leave a Reply