By Frances Pio
––
Inirekomenda ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules ang pagsusuot ng face mask hanggang sa katapusan ng taon.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang pagsusuot ng face mask ay nakakatulong protektahan ang tao hindi lamang upang makaiwas sa COVID-19 kundi sa iba pang sakit.
“As part of the Department of Health and a medical doctor, I would say that I would still recommend until the end of the year,” sinabi ni Vergeire.
“You know the mask did not only protect us against COVID-19. It also protected us from other respiratory infections, even with this monkeypox. This disease, we can be protected from monkeypox by just wearing the mask,” dagdag pa niya.
Samantala, pinuna ni Vergeire ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cebu dahil sa pag-alis ng kautusan sa pagsusuot ng face masks habang nasa open at outdoor spaces ng probinsya.
Inulit ni Vergeire na ang mga face mask ay maaari lamang tanggalin kapag ang isang tao ay kumakain o nag-eehersisyo.
Idinagdag niya na habang ang kasalukuyang mga protocol ay “not very specific,” maaaring tanggalin ng mga tao ang kanilang mga masks kapag sila ay nag-iisa o malayo sa ibang mga indibidwal sa labas tulad ng kapag nasa hiking o pagpunta sa beach.
Samantala, ipinunto ni Vergeire na ang pag-isyu ng executive order upang alisin ang mask rule ay lubhang mapanganib sa kasalukuyan.