Share:

By Frances Pio

––

Isang alyansa ng mga mangingisdang Pilipino nitong Miyerkules ang nagsagawa ng protesta sa Department of Agriculture (DA) upang tuligsain ang panibagong round ng pag-aangkat ng isda nitong Hunyo, na ayon sa kanila ay nagpapababa ng halaga ng mga lokal na produkto ng isda sa merkado.

Nauna nang ipinaliwanag ng DA na ang panukalang ito ay makakabuti upang patatagin ang supply at mga presyo dahil sa inaasahang kakulangan ng 90,000 metriko tonelada (MT) ng isda ngayong taon.

Gayunpaman, iginiit ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) na sa halip na patuloy na umasa sa mga imported na produkto ng isda, dapat i-redirect ng gobyerno ang pagsisikap nito na palakasin ang suporta na ibinibigay sa mga lokal na mangingisda.

“Small fishers are already beset with burdening issues such as rising cost of production due to staggering prices of fuel products. Flooding our local market with imported fish does more damage than good to our local fishing industry,” sinabi ni Pamalakaya National Spokesperson Ronnel Arambulo habang nasa protesta.

Bukod sa naobserbahang pagbaba ng produksyon ng agri-fisheries, binanggit din ni Arambulo na ang pagtaas ng halaga ng mga produktong isda ay naiimpluwensyahan din ng mga pribadong mangangalakal na kumokontrol sa “hindi makatwirang presyo.”

Leave a Reply