Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Ayon sa Department of Health (DOH) nitong Biyernes, Oktubre 28, hindi pa aalisin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang bansa sa ilalim ng public health emergency buhat ng COVID-19.

Kaugnay nito ang pakikipagpulong ng pangulo kay Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus ng World Health Organization (WHO).

Matapos tanungin si DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire ukol dito, sinabi niya sa isang press briefing na hindi niya iniisip na magkakaroon ng ganoong konsepto. Bagaman, nabanggit naman ng nasabing opisyal ng WHO na kamakailan lamang ay nagkaroon ng pagpupulong ang mga matataas na opisyal ng naturang organisasyon, na silang nagpapasya sa usaping ito.

He specifically told the President that in the recent meeting, the vote was to still continue on with the public health emergency,” aniya.

Ani Vergeire, sinabi ng Director-General ng WHO na hindi pa sa ngayon at batid ng pangulo aniya ay naiintindihan niya ito.

Naniniwala naman ang DOH OIC na unti-unti namang gagawin ni Marcos ang pag-lift ng public health emergency.

And of course, he is trying to balance also. So, I don’t think there is this kind of thinking already…right now immediately,” dagdag pa niya.

Giit ni Vergeire na naniniwala ang pangulo sa mga gabay na ibinigay ng mga eksperto gaya ni Dr. Tedros.

Leave a Reply