Share:

By Christian Dee

MANILA – Nakipagpulong si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo sa mga direktor ng field offices ng ahensya ukol sa paghahanda sa Tropical Depression Paeng.

Sinabi ni Tulfo na kailangang maging handa sa pagtulong upang rumesponde sa mga pangangailangan ng mga Pilipino.

Aniya, ica-cancel nito pati ang day off para siguraduhing nakahanda ang lahat.

Kailangan ng pagdedeliver ng mga relief so yung mga naka-leave, ni-relieve ko muna mga leaves nila,” ani DSWD Sec. Tulfo.

Bukod dito, ayon sa kalihim, handa ang ahensya na magpaabot ng tulong sa mga apektado ng matinding pag-ulan. Cash at mga in-kind assistance ang inihanda ng DSWS na ipamahagi sa mga biktima.

Saad ni Tulfo, 25,000 ang bilang ng food packs na kaya nitong ilabas sa isang araw.

So far naman, natutuwa tayo dahil sa utos na preparation, yung prepositioning, may prepositioning naman,” aniya.

Giit ng kalihim na wala namang problema sa pondo dahil mayroong nakalaan na Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS).

Sa huli, hinikayat ni Tulfo na lumikas na ang mga pamilyang nasa lugar na madaling maapektuhan ng kalamidad.

Leave a Reply