By Christian Dee

MAYNILA — Nitong Biyernes, Pebrero 3, sinabi ng bagong talagang Kalihim ng Department of Social Welfare and Development na si Secretary Rex Gatchalian sa isang press briefing na naniniwala siyang mas kayang labanan ang kagutuman sa bansa.

“Labanan natin ang kagutuman. Alam ko mandato natin, labanan ang kahirapan, at gagawin at gagawin natin iyon. Pero alam naman natin na ang kahirapan at ang pagsugpo sa kahirapan is a long term endeavour,” aniya.

“Hindi natin yan kaya gawin sa isang gabi, sa dalawang gabi, minsan nga, intergenerational ang kahirapan, pero palagay ko, mas kaya natin gawin, labanan ang kagutuman,” dagdag pa ni Gatchalian.

Ilang araw lamang ang nakalilipas nang isagawa ang naturang press briefing kung saan sinabi ng nasabing kalihim ng ahensya na isa ito sa kanyang mga prayoridad.

“Hunger is different for each and everybody,” ani Gatchalian.

Noong huling bahagi ng 2022, base sa inilabas na SWS sarbey noong Enero 2024, umabot sa tatlong milyong pamilya ang nakaranas ng “involuntary hunger.”

Leave a Reply