Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III nitong Lunes, walang pagbabago sa pagtaas ng kaso sa mga lugar na sumailalim sa mahabang enhanced community quarantine (ECQ) sa Central Visayas at Northern Mindanao.
Nagsagawa ng emergency meeting ang mga undersecretary at regional directors ng Department of Health (DOH) upang pag-usapan ang sitwasyon sa mga lugar na hindi malaki ang pagbabago sa mga kaso. Base sa DOH online tracker nitong Agosto 22 nasa 8,884 ang aktibong kaso sa Central Visayas at 5,157 naman sa Northern Mindanao.
Sa ngayon, ang Lapu-Lapu at Mandaue sa Cebu ay nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang katapusan ng buwan. Samantalang nasa ilalim naman ng general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions ang iba pang lugar sa mga rehiyon.