Nitong Huwebes, sinabi ni Sen. Bong Go na sumailalim at nag-negatibo ang Pangulong Rodrigo Duterte sa COVID-19 sa kanyang huling swab test noong Holy Week.
“Regular naman pong nagpapa-swab test si Pangulong Duterte at, so far naman po, sa awa ng Diyos, ay negatibo naman po kung magbabasehan po‘ yung last niya pong swab test, ” sinabi ni Go sa isang panayam.
“So, wala po kayong dapat ikabahala pero we cannot take Chances. Ika nga, hindi natin pwedeng isugal, bagama’t alam n’yo po na si Pangulo talagang gustong lumabas, ”ani Go.
Ito ay napagusapan at dumagsa ang kumwestyon sa kalusugan ng Pangulo matapos ang kanyang regular Monday night public address na nalipat sa Miyerkules na kalauna’y muling ipinagpaliban hanggang sa susunod na linggo.
Samantala, sa mga katanungang nagkalat ay naudyok si senator Go na mag-post ng mga larawan ng Pangulo, upang mapatunayang nasa maayos itong kalagayan.
Ito ay para mapatunayan na nasa maayos na kondisyon ang kalusugan ng Pangulo matapos magpositibo ang hindi bababa sa 45 na miyembro ng Presidential Security Guards (PSG) sa COVID-19.