Share:

Hinimok ni Senador Francis Pangilinan nitong Huwebes ang World Health Organization (WHO) na unahin ang Pilipinas sa paghahatid ng mga bakuna laban sa COVID-19 sa ilalim ng pasilidad ng COVAX upang maiwasan ang “pag-collapse” ng sistemang pangkalusugan ng bansa.

“We are urging WHO to put the Philippines on top of the list of beneficiaries in its [COVAX] facility and deliver to us the urgently needed vaccines to avert the collapse of our healthcare system,” sinabi ni Pangilinan sa isang mensahe na ibinahagi sa mga reporter.

“We urge the (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases) to aggressively negotiate with WHO for an earlier delivery in order to prevent the situation from deteriorating into a humanitarian crisis,” dagdag niya.

Inilabas ni Pangilinan ang panawagan matapos ipahayag ang pag-aalala ng WHO sa sitwasyon ng ating bansa at idinagdag na ang bansa ay malapit na sa “red line” o pagkaubos ng kakayahan sa health care capacity na hawakan ang pandemya kasunod ng pag-bugso ng COVID-19 cases.

Sa ngayon 922,898 na mga Pilipino na ang nabakunahan kontra COVID-19, kabilang ang mga healthcare workers, senior citizens, at mga taong may mga comorbidity, ang nangunguna sa COVID-19 vaccination priority list.

Inaasahan ng Pilipinas ang 2 milyong higit pang doses ng mga bakuna kontra COVID-19 sa buwang ito, sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr.

Ang Pilipinas ay nakatakdang makatanggap ng hindi bababa sa 5.6 milyong doses ng mga bakunang Pfizer-BioNTech at AstraZeneca mula sa pasilidad ng COVAX sa first quarter ng taon.

Leave a Reply