Ayon kay Dr. Dennis Ordoña, higit 200 na pasyente na ang naka-admit sa ospital ng East Avenue Medical Center na may kaso ng Covid19.
Mayroon na ding 60 pang naghihintay na pasyente sa emergency room na positibo din sa virus.
Pati ang mga pasyente galing Batangas at Laguna ay sa kanilang ospital nagpupunta upang magpa-admit dahilan kung bakit patuloy pa din ng walang tigil na serbisyo ng mga frontliners.
Ayon kay Ordoña ang sinagawang 2-week lockdown sa Metro Manila at apat pang kalapit na probinsya ay wala din naging epekto para sa mga healthworkers. Hindi din umano bumaba ang bilang ng pasyente mula noong nakaraang taon.