By Frances Pio

––

Nawawala ang maliit na pampasaherong eroplano na lumilipad sa isang sikat na tourist route sa Nepal nitong Linggo, na may sakay na 22 katao, ayon sa flight operator na Tara Air.

Pinigilan ng maulap na panahon ang mga search helicopter na lumipad papunta sa lugar ng huling alam na lokasyon ng flight, sinabi ng mga opisyal.

“One search helicopter returned to Jomsom due to bad weather without locating the plane. Helicopters are ready to take off for search from Kathmandu, Pokhara and Jomsom once weather conditions improve. Army and police search teams have left towards the site,” ayon sa Civil Aviation Authority ng Nepal.

Sinabi ng opisyal ng pulisya na si Prem Kumar Dani na isang land rescue-and-search team ang ipinadala sa lugar malapit sa Mount Dhaulagiri, ang ikapitong pinakamataas na peak sa mundo na may taas na 8,167 metro (26,795 talampakan).

Ang eroplano ng Tara Air, na naka-schedule na magsagawa ng 15 minutes flight ay may sakay na 19 na pasahero at tatlong tripulante.

Canadian-built, turboprop Twin Otter na mga eroplano ang pangunahing aircraft ang ginagamit ng airline sa kanilang operasyon.

Sinabi ng airline na mayroong apat na Indian, dalawang German at 16 Nepalis ang sakay, kabilang ang tatlong tripulante.

Leave a Reply