By Frances Pio

––

Kontrolado na ang sunog na sumiklab sa isang bodega sa Quiapo, Maynila nitong Linggo ng hapon, ayon sa mga awtoridad.

Matapos ang ilang oras na pagsisikap na apulahin ang apoy na tumama sa isang bodega sa kahabaan ng Carlos Palanca Street, tuluyang idineklara ng Bureau of Fire Protection (BFP) na kontrolado ang insidente kaninang 6:58 ng gabi.

Sa panayam ng Newsroom Weekend ng CNN Philippines, sinabi ni Deputy District Fire Director Supt. Ronaldo Sanchez na hindi nila inaasahang lalawak pa ang apoy dahil napapalibutan ng firewalls ang gusali.

Walang naiulat na nasawi o nasugatan sa sunog, dagdag niya.

Sa inisyal na ulat ng BFP, umabot sa unang alarma ang sunog dakong 1:43 p.m. pagkatapos ay mabilis na itinaas sa pangalawang alarma sa 1:49 p.m.

Umakyat sa ikaapat na alarma noong dakong 4:19 ng hapon.

Leave a Reply