Share:

By Frances Pio

––

Patay ang isang 37-anyos na fish vendor na hinihinalang intelligence asset sa Sitio Ilian, Barangay Rarab, Nunungan, Lanao del Norte Biyernes, Agosto 12.

Kinilala ni Police Major Bernelito A. Padios, officer-in-charge ng Nunungan police station, ang biktima na si Rio Contemplo Resomadero ng Barangay Pinuyak, Lala, Lanao del Norte.

Ayon sa imbestigasyon, nagtitinda ng isda ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo alas-2 ng hapon. nang sumulpot ang isang lalaking armado ng M16 rifle, na kinilalang si Akil A. Binong, lalaki, magsasaka, ng Picong, Lanao del Sur, at nagsabi kay Resomadero: “Asset ka pala ha? Kaya ilang beses ka na pabalik-balik dito sa area namin.”

Ilang beses pinaputukan ni Binong ang biktima at tumakas.

Nagtamo ng maraming tama ng bala ang biktima at dinala sa Kapatagan Provincial Hospital sa Kapatagan, Lanao del Norte kung saan ito binawian ng buhay.

Narekober mula sa pinangyarihan ng krimen ang 11 fired cartridge case para ng M16 rifle at single motorcycle ng biktima.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

Leave a Reply