By Frances Pio
––
May kabuuang 28,008 COVID-19 infections ang naitala ng Department of Health (DOH) mula Agosto 8 hanggang 14, bahagyang mas mataas kaysa noong nakaraang linggo na 27,331.
Sa weekly data na inilalabas, iniulat ng DOH ang average daily rate na 4,001, 3 porsyentong mas mataas kaysa 3,904 noong nakaraang linggo.
Samantala, 101 o 0.36 porsyento ng kabuuang mga kaso ang naitala bilang severe o critical, na nagdala ng aktibong bilang ng severe o critical na mga kaso sa 822.
May karagdagang 229 na pagkamatay ang nadagdag din sa COVID-19 death toll sa bansa — 98 dito ay nangyari nitong Agosto, habang ang iba ay backlogs mula Setyembre 2021 hanggang Hulyo 2022.
Ang non-ICU-bed utilization rate ay nanatili sa 30.9 percent, habang ang ICU-bed utilization rate ay tumaas mula 24.8 percent hanggang 28 percent.
Tungkol sa progreso ng pagbabakuna, ang mga indibidwal na fully-vaccinated ay nasa 72,107,090 (92.33 porsiyento ng target na populasyon) pagkatapos ng 208,369 karagdagang indibidwal ang nabakunahan noong nakaraang linggo.
