Nasa 337,567 na ang kabuuang bilang ng mga fully vaccinated sa Cagayan de Oro, ayon sa ulat ng City Health Office. Noong Disyembre 7, ang Cagayan de Oro ay nakapagbigay ng kabuuang 864,126 na doses ng bakuna laban sa Covid-19.
Ang bilang ng mga indibidwal na nakakuha ng kanilang unang doses ng mga bakuna ay nasa 524,312, at ang mga nakakuha ng kanilang mga booster shot ay nasa 2,247.
Ayon kay City Health Office medical officer Dr. Ted Yu, makakamit ng Cagayan de Oro ang herd immunity sa ikalawang linggo ng Enero 2022.
“Sa ating target, by end of this year, due to the interval, maka hit na tayo ng 90 percent of the second dose on the second week of January 2022,” ayon kay Dr. Yu
Si Mayor Oscar Moreno, sa kanyang bahagi, ay nagsabi na ang lungsod ay hindi titigil sa pagbabakuna nito kahit na nakamit nito ang herd immunity.
“We will not stop sa atong first dose. Ang nangyari ngayon, I remember na the Department of Health might target a higher herd immunity level,” ayon kay Moreno
Ito ay inayunan ni Yu, na nagsabi na ang Department of Health ay nag-iisip na taasan ang antas ng herd immunity sa 80 o 85 porsyento. (By: Frances Pio)
