By Christian Dee
MAYNILA – Sinabi ng kumpanyang Globe na ipagpapatuloy nito ang suporta para sa pagpaparehistro ng mga customer nito sa mga liblib na lugar.
“We are committed to ensuring that every customer can access SIM registration support whether they prefer to do it online or offline,” ani Cleo Santos, Head ng Channel Management Group ng naturang kumpanya.
“We’re working hand-in-hand with the government to provide on-ground assistance in areas where our customers need us most,” dagdag pa ni Santos.
Ayon sa Globe, palalawakin pa nito o ipagpapatuloy pa ang pag-deploy ng mga SIM registrations booths sa bansa para suportahan ang implementasyon ng SIM registration law.
Maaring lumapit ang mga subscribers na nangangailangan ng tulong sa pagpaparehistro sa mga sumusunod na estasyon, ayon sa Globe:
Feb. 8
● Magpet, Cotabato (Municipal Gym)
Feb. 9
● Bauang, La Union (People’s Hall, MSWD Office)
● Echague, Isabela (Evacuation Center, Municipal Compound, Brgy. San Fabian)
● San Simon, Pampanga (Municipal Covered Court)
● Agoncillo, Batangas (Agoncillo Municipal Covered Court)
● Libmanan, Camarines Sur (Libmanan Sports Complex)
● Abuyog, Leyte (Brgy. Nalibunan Covered Court)
● Salay, Misamis Oriental (Senator Ernesto Herrera Gymnasium, Brgy. Poblacion)
● La Paz, Agusan del Sur (Municipal Gym, Poblacion)
● Bauko, Mountain Province (Municipal Open Court, Brgy. Abatan)
Feb. 10
● Pandan, Antique (Pandan Sports Complex)
● Bogo City, Cebu (City Sports Complex, Don Celestino Martines Sr. Sports & Cultural Center (Complex), Brgy. Taytayan)
● Padada, Davao del Sur (ABC Covered Court)
Ang mga lalapit sa mga SIM registration booth para sa pagpaparehistro ng kanilang SIM card ay kakailanganing ihanda ang kanilang buong pangalan, petsa ng kapanganakan, kasarian, address, government ID na may larawan ng subscriber, at mobile number.
Hanggang Abril 26 lamang maaring makapagparehistro ng SIM card base sa batas.
Para sa mga nais magparehistro, mangyaring gamitin lamang ang link na ito para maging rehistrado: https://new.globe.com.ph/simreg.