By Christian Dee
MAYNILA – Sumugod ang grupo ng mga magsasaka sa harapan ng tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa Intramuros sa Maynila nitong Miyerkoles, upang kondenahin ang pagpapalit ng kinatawan ng Magsasaka Party-list (MPL) at iproklama ang first nominee ng natalong Pasahero Party-list na si Roberto Gerard Nazal Jr.
Isang insulto sa mga magsasakang miyembro ng samahan ang desisyon ng COMELEC ani ng Magsasaka Party-list Chairman Argel Joseph Cabatbat sa isang press conference.
“Our fight is not at the House of Representatives but at the Supreme Court. We hope our plea reaches the Supreme Court to prevent a millionaire Pasahero party-list to become a Magsasaka party-list representative,” aniya.
Ayon naman sa lider ng grupong nagprotesta, isang pambababoy sa party-list system ang pag-upo ni Nazal sa MPL. Binanggit din nito na tinanggal aniya si Cabatbat na siyang tunay na nominee sa Kongreso.
Giit ng grupo na hindi karapatdapat na umupong kinatawan si Nazal dahil kailanman ay hind naging kasapi ng nasabing party-list group ang anila ay isang bilyonaro.
