By Christian Dee
MAYNILA – Sinabi nitong Miyerkoles, Oktubre 19, ni Metro Pacific Investments Corp. (MPIC) chairperson Manny Pangilinan na mas murang patakbuhin ang mga electronic jeepney kumpara sa mga tradisyunal na jeep na gumagamit ng diesel.
Ani Pangilinan, “Because of the tremendous increase in prices of petrol, of gas and oil… it is now cheaper for jeepney operators for jeepney owners to own and operate e-jeep than the traditional fossil fuel.”
Sinabi rin nito na mas mataas ang gastos sa kapital para sa mga e-vehicles pero mas mura aniya ang pagpapatakbo nito.
“I do hope that Byahe can start that momentum towards that shift,” dagdag ni Pangilinan.
Ang Byahe ay isang kompanya na nakatutuok sa mga solusyon sa mga problema sa pampublikong sasakyan o public utility vehicles (PUVs) gamit ang makabagong istilo ng dyip at mga electronic na sasakyan, na kung saan ay si Pangilinan na nag-invest ang MPIC sa dating namumuno sa Grab Philippines na si Brian Cu sa pagtangka ng kompanya sa ‘greener energy’.
Giit naman ni Pangilinan na ang Meralco ay ang maaring nasa tamang posisyon para makapagbigay ng charging station networks bilang pinakamalaking kompanyang nagsusuplay ng kuryente.
