By Christian Dee

MAYNILA – Nitong Sabado, Pebrero 4, sinabi ng Department of Education na umabot sa hindi bababa sa tatlompu’t walong eskuwelahan ang napinsala dahilan ang nagdaang magnitude 6 na lindol sa Davao de Oro.

Ayon sa ulat ng dzBB, ilan sa mga paaralang napinsala ay ang Montevista National High School sa Davao de Oro, Alejal Elementary School sa bayan ng Carmen, Davao del Norte; Sonlon National High School sa bayan ng Asuncion, Davao del Norte; at Toril Elementary School sa Island Garden City ng Samal.

Matatandaang niyanig ng naturang lindol ang ilang bahagi ng Mindanao noong nakaraang Miyerkoles, Pebrero 1 ng gabi, kung saan natagpuang epicenter ng pagyanig ang New Bataan sa Davao de Oro.

Bukod dito, ang Davao de Oro Provincial Hospital ay inilagay ng lokal na pamahaalan sa ilalim ng state of emergency epektibo noong Huwebes matapos ang pinsalang dinulot ng lindol sa naturang ospital.

Ngayong Sabado, alas-2 ng hapon, nakapagtala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ng mahigit 880 na mga aftershocks, bagamat dalawa lamang sa mga naitala ang naramdaman.

Leave a Reply