By: Francis Pio

Malapit nang mag-release ang Cebu Province ng financial assistance na nagkakahalaga ng P5,000 bawat isa sa hindi bababa sa 90,000 pamilya na ang mga tahanan ay lubos na nasira ng Bagyong Odette.

Sinabi ni Gobernadora Gwendolyn Garcia na tinitingnan nila ang pagpapalabas ng cash aid sa mga local government units (LGUs) sa mga darating na linggo habang nakabinbin ang pagsusumite ng mga pangalan ng mga benepisyaryo mula sa mga component towns at lungsod.

“The families are now numbering 87,000 to 88,000, more or less 90,000 families with homes totally damaged. Verification continues with the help of our workers and barangay captains. Even if this is being verified, some LGUs need to submit the names,” ayon kay Gov. Garcia.

“Other LGUs have promptly submitted the names and these are now being encoded so we can start producing the cards. We will only release these cards after verification,” dagdag pa niya.

Tutulong din ang mga Provincial Board Members sa pamimigay ng cash card dahil kailangang ipaliwanag sa mga benepisyaryo kung paano magagamit ang mga card, inihayag ni Garcia.

Ang pamamahagi ng pera ay gagawin sa pamamagitan ng sistema ng coupon, katulad ng sa inisyatiba ng Sugbo Negosyo ng Kapitolyo.

Leave a Reply